28 Barangay chairman sabay nagfile ng COC’s

Dalawamput walong tatakbong barangay chairman karamihan ay mga incumbent ang sabayang nagfile kahapon ng Certificate of Candidacy sa tanggapan ng Comelec sa bahagi ng Biton area ditto sa lungsod. Kayat isa ito sa dahilan kung bakit isinara sa trapiko kahapong alas otso ng umaga ang sinsuat avenue sa tapat ng Polytechnic College dahil dinagsa ng mga kandidato at supporters ang mass filling ng mga barangay chairman kasama ang kanilang mga line-up na mga barangay kagawad. Halos hindi mahulugan ng karayom ang comelec office sa dami ng kandidato..Tinanggap naman ni City Election officer Atty.Michael Ignes ang mga COC’s.Samantala inaasahang maraming barangay sa lungsod ang unopposed ngayon barangay election.

Facebook Comments