City PNP blanco parin sa motibo ng papamaril patay sa 14 anyos

Blanco parin ang City PNP sa motibo at kung sino ang suspect na bumaril patay sa isang katorse anyos na estudyante kamakalawa pasado alas siyete ng gabi sa bahagi ng Malagapas barangay RH-10 ng lungsod. Kinilala ang biktima nasi Steve Tino Campong na residente ng Parang maguindanao, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo mula sa hindi matukoy na uri ng baril na nagging sanhi ng agara nitong kamatayan. Batay sa inbestigasyon ng PP2, naglalakad lamang daw ang biktima sa naturang lugar habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan at brownout pa sa lungsod ng barilin ng hindi pa nakilalang suspect ang binatilyo.Alas 7:20 ng gabi nangyari ang krimen ngunit pasado na alas nueve ng malaman ng PP2 ang pangyayari makaraang tumawag ang 5th Special Forces battalion…Hirap ang kapulisan na maukoy ang suspect dahil brownout nga ng mangyari ang krimen.

Facebook Comments