28-M na Halaga ng Tulong sa mga Apektado ng Bagyong Maring, Ipinamahagi ng DSWD

Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit P28 million ang naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang Severe Tropical Storm Maring sa loob ng 10-araw na relief operations.

Sa inilabas na datos ng ahensya, nasa kabuuang 14,482 Family Food Packs (FFPs); 273 Non-Food Items (NFIs) at P21, 145,000 na financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ang naibigay sa 14 bayan sa rehiyon.

Ayon kay DSWD FO2 Regional Director Cezario Joel Espejo, ang kanilang maagap umano na kahandaan ang nagbigay daan upang tugunan ang kahilingan ng mga apektadong LGU.


Samantala, namahagi naman ng P5,000 each ang Crisis Intervention Unit ng ahensya sa 4,229 families sa mga bayan ng Aparri, Buguey, Gonzaga, Sta. Ana at Sta. Teresita.

Sa kabuuan, nasa 19,235 families at 71,135 individuals ang naapektuhan ng Typhoon Maring kasama ang 599 families at 2,993 individuals mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) community.

Facebook Comments