Sa kabila ng banta ng omicron variant, tuloy pa rin sa lunes, December 6 ang pilot run ng face-to-face classes sa 28 public schools sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Education (DepEd), kabilang ito sa 177 public schools sa bansa na pinayagan nang magsagawa ng in-person class sa kabila ng banta ng COVID-19.
Nagmula ang mga paaralan sa Caloocan City, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Quezon City, Taguig, Valenzuela at Las Pinas, Malabon, Makati, San Juan at Pasay.
Tiniyak din ng DepEd na mahigpit pa ring ipapatupad ang health protocols sa mga mag-aaral na lalahok, tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask at social distancing.
Facebook Comments