Presyo ng fresh pork, tumaas ngayong holiday season

125

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na tanging fresh pork lamang ang nagmahal ngayong holiday season.

Ayon kay Agriculture Asec. Noel Reyes, kinabibilangan ito ng pork belly, ham, kasim at pigue.

Sa pork belly, umabot na sa P360 ang kada kilo habang P330 sa pork ham.


Nananatili namang mababa ang presyo ng imported na baboy na nasa P220 kada kilo habang ang liempo ay nasa P280 hanggang P320.

Pagtitiyak ni Reyes, maganda pa rin ang suplay ng mga bilihin lalo na ngayong nalalapit na holiday season.

Facebook Comments