28 ROTC cadet, nalason sa panis na kanin

603

Isinugod sa ospital ang 28 kadete ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng Isabela State University sa Roxas matapos malason umano sa kinaing panis na kanin, kamakalawa.


Nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pagtatae ang 10 babae at 18 lalaki na nakakakain ng panis.

Ayon kay Dr. Quirino Parallag, admin ng ISU Roxas Campus, mayroon nang kakaibang amoy ang kanin na inihain sa mga kadete na sanhi ng pagkalason.

Nakalabas na sa ospital ang 24 biktima habang patuloy na nagpapagaling ang apat pa.

Tiniyak naman ni Parallag na sakop ng insurance ang pagpapagamot ng mga kadete.

Samantala, iimbestigahan ng awtoridad ang naghain ng pagkain upang malaman ang pananagutan nito.

Facebook Comments