28 WANTED PERSONS AT IBA PANG VIOLATORS, ARESTADO SA 1-ARAW SACLEO NG KAPULISAN

Nasa 28 wanted persons at iba pang violators sa iba’t-ibang bayan sa Isabela ang nahuli sa isinagawang 1-Day Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga awtoridad kamakailan.

May kabuuang 21 na CTG Members/Supporters ang tuluyang nagbalik loob sa gobyerno kabilang ang limang (5) miyembro ng NPA in the Barrio na boluntaryong sumuko sa 1st IPMFC at may 16 naman na CTG Supporters ang kusang sumuko sa 2nd IPMFC at ilang Police Stations ng Isabela PPO sa kanilang kumpanya laban sa insurhensiya.

Isa naman ang timbog sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa bisa ng Service of Warrant na isinilbi ng PNP LUNA sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa droga habang may 21 indibidwal naman ang nahuli dahil sa Illegal Gambling.

Sa kampanya laban sa Loose Firearms ng kapulisan, apat na armas ang naisurrender sa KONTRA BOGA at pitong armas ang naideposito habang may limang explosives kagaya ng 3 Rifle grenades, 1 Rocket Propelled Grenade at M203 Grenade Launcher naman ang naisurrender.

Samantala, may 349 violators din ang nahuli sa 72 operasyong isinagawa sa implementasyon ng Traffic Laws at Ordinances sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments