Cauayan City, Isabela- Naitala ng Tabuk City sa Kalinga ang kabuuang 280 dengue cases batay sa datos ng City Health Services Office ngayong araw, June 27, 2022.
Kasunod ito ng pagkamatay ng isang walong taong gulang na bata mula sa Barangay Bado Dangwa.
Kaugnay nito, mahigpit naman na paalala ng lokal na pamahalaan sa publiko na paigtingin ang pag-iwas sa sakit na dengue sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran gaya ng iwasan ang pag-iimbak ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok.
Samantala, inanunsyo naman ni Mayor Darwin Estrañero na nakatakdang itayo ang sariling ospital ng LGU sa barangay Appas.
Ayon sa kanya, ang ospital ay isang mayroong state-of-the-art facilities.
Facebook Comments