28,000 dose ng bakuna, nakalaan sa mga pulis sa Metro Manila ayon kay PNP Chief

Nakalaan sa mga pulis sa Metro Manila ang 28,000 dose ng bakuna.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagsisimula ng pagbabakuna ng mga pulis na kabilang sa A4 priority group sa Camp Crame kahapon.

Una nang tinurukan sa unang batch ng 500 dose ng Sinovac na natanggap ni Eleazar at kanyang command group.


Sa mga susunod na araw naman inaasahan na ni Eleazar ang pagdating ng nalalabing bahagi ng kanilang alokasyon ng bakuna na para sa mga pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at limang distrito sa Metro Manila, kasama ang Special Action Force (SAF) at Avaiation Security Group (ASG) na kabilang sa A4 priority group.

Hinikayat naman ni Eleazar ang mga pulis na huwag maging mapili sa bakuna at kung may pagkakataon sila na magpabakuna sa kani-kanilang Local Government Unit (LGU) ay samantalahin na ito.

Sa ngayon, 92.76% na ng mga pulis ang pabor na magpabakuna at hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.

Sa mahigit 200,000 police force ng PNP, mahigit 18,000 PNP personnel ay nasa ilalim ng A1 o medical frontliners, at A3 o yung may comorbidity na priority group ang naturukan na ng bakuna.

Facebook Comments