2,828 na bagong kaso ng COVID-19, naitala kahapon ng DOH; bilang ng aktibong kaso ng sakit, patuloy ang pagtaas!

54

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) kahapon ng 2,828 na bagong kaso ng COVID-19.

Kaya namann, pumalo na sa 22,207 ang aktibong kaso ng sakit mula sa 20,678 noong Miyerkules, kung saan aabot na sa 3,741,987 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Nasa 3,659,139 naman ang mga gumaling sa sakit, habang nananatili sa 60,641 ang mga nasawi.


Nanguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 na may 10,636 na bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 6,167, Central Luzon na may 2,821, Western Visayas na may 2,232 at Central Visayas na may 1,101.

Facebook Comments