8 miyembro ng NPA sa Western Mindanao, sumuko sa militar

53

8 miyembro ng New Peoples Army (NPA) kasama ang kanilang squad lider ang sumuko sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sultan Kudarat.

Sa ulat mula sa Western Mindanao Command, 8 miyembro ng NPA mula East Daguma Front ng Far South Mindanao Region ang nagsuko ng kanilang mga armas sa 7th Infantry Batallion sa Barangay Masiag, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Bukod sa squad lider na si alyas Tomas, sumuko din ang squad medic ng Platoon Timlas.


Kabilang sa mga isinuko ng rebelde ang kanilang mga armas at bala.

Samantala, isasalang naman sa custody at debriefing ng 7IB ang mga sumukong NPA.

Facebook Comments