285 na Bagong Pulis, Nagsimula na sa Training!

*Cauayan City, Isabela- *Nagsimula na ngayong araw ang training ng nasa 285 na mga bagong Police Officer 1 sa Regional Training Center, Cauayan City, Isabela matapos pumasa mula sa dalawang libong aplikante para sa pagpupulis.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Ericson Guiyab, ang Deputy Training Director ng Regional Training Center (RTC), katatapos lamang ng kanilang oath taking noong Oct. 30, 2018 at magsisimula nang sumailalim sa anim na buwang pagsasanay bago I-turn over sa RSTU PRO-2.

Bukod pa sa kanilang pagtutok sa training ng mga bagong pulis ay kanila ring tinututukan ang kanilang mga mandatory courses gaya ng Public Safety Juniors Leadership Course na kinabibilangan ng mga PO3 at SPO1 na nagsimula pa noong buwan ng Agosto at nakatakdang magtapos ngayong Disyembre.


Bukod pa rito ay binabantayan din nila ang Public Safety Senior Leadership course na kibabibilanagn ng mga SPO1 at SPO3 na nagsimula rin noong Agosto at magtatapos ngayong buwan ng Nobyembre.

Samantala, inihayag pa ni PCI Guiyab na dalawang beses ng tinanghal bilang Best Regional Training Center sa buong bansa ang RTC Cauayan City at inaasahan pang mapabilang din sa International Standard Organization o ISO Certification dahil isang antas na lamang ay makakamit na umano nila ito.

Facebook Comments