WELCOME | DILG, bukas sa diyalogo sa producer ng "Ang Probinsyano"

Manila, Philippines – Bukas si DILG Secretary Eduardo Año na makipagdiyalogo sa producer ng “Ang Probinsyano”.

Ayon kay Año, mismong ang mga taga ABS-CBN ang lumapit sa kaniya para resolbahin ang mga isyung inilabas ng PNP.

Sinabi ng DILG Chief na ngayong linggo inaasahan gagawing pagpupulong sa pagitan ng DILG, PNP at producer ng probinsyano.


Bagaman at kinikilala ni Año na isa lamang kathang isip ang kwento ng ang probinsyano, binibigyang limita naman ng batas ang paggamit ng logo, uniporme o anomang bagay na nag-uugnay sa PNP.

Wala aniya siyang hangarin na ipakansela ang teleserye ni Coco Martin.

Pero, hindi sila sang ayon na ipakita na masama ang imahe ng pambasang pulisya kahit sa kathang isip na teleserye.

Facebook Comments