288 pasyente, naka-enroll sa solidarity trial ng WHO ayon sa DOST

Umabot na sa 288 pasyenteng mayroong COVID-19 ang naka-enroll sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO).

Ang nasabing bilang ay higit sa kalahati ng 500 itinakda ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang global target para sa trials ay nasa 5,000 patients.


Aniya, kapag marami ang participants ng WHO trials ay mapapabilis din ang paghahanap ng lunas sa COVID-19.

Apat na treatment ang sinusubok ngayon sa mga pasyente: local care standard; hydroxychloroquine; lopinavir-ritonavir; at remdesivir.

Nasa 24 na ospital sa bansa ang bahagi ng WHO trials.

Facebook Comments