29 Anyos, Arestado sa 16 Beses na Panggagahasa!

Cauayan City, Isabela- Arestado ng otoridad ang isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Centro, Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Eugenio Mallillin, hepe ng PNP Tumauini, kinilala nito ang akusado na si James Natividad, 29 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Masipi East, Cabagan, Isabela.

Ayon kay PMaj Mallillin, nahaharap sa kasong 16 beses na panggagahasa si Natividad sa kanyang β€œstepdaughter” na nasa hustong gulang na inireklamo mismo ng kanyang live-in partner.


Naipasakamay na sa court of origin ang akusado at posibleng hindi na makalabas ng kulungan dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments