29 bagong Omicron cases, naitala sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health o DOH ang 29 bagong kaso ng Omicron (B.1.1.529) variant of concern na naitala sa bansa mula sa 48 samples na isinailalim sa sequencing nitong January 2, 2022.

Bukod dito, 18 kaso ng Delta (B.1.617.2) variant ang naitala habang may isa pang kaso na lineage.

Sa pinakahuling sequencing, 19 Returning Overseas Filipinos (ROFs) ang kinunan ng sample at 29 ang local cases ang isinailalim sa case clusters.


Ang bagong kaso ng Omicron variant ay 10 ROFs at 19 local cases na may addresses sa National Capital Region (NCR).

Sa ngayon, ang total Omicron variant cases na sa bansa ay 43.

Sa 19 na local cases, 14 cases pa ang active cases, tatlo ang gumaling na habang ang dalawang kaso ay bineberipika pa.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang DOH sa mga nakasama sa flight ng naturang mga pasahero.

Samantala, sa 18 bagong kaso ng Delta variant, walo rito ang ROFs habang ang sampung iba pa ay local cases na may address sa NCR.

Sa ngayon, umaabot na ang total Delta variant cases sa bansa sa 8,497.

Facebook Comments