Higit 20 kawani ng DOLE, nagpositibo sa COVID-19

41

Umaabot sa 27 mga tauhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tinamaan ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay na nakalulungkot dahil noong Lunes, tatlo lang sa kanilang mga kawani ang positibo, pero sa ngayon ay umaabot na ito sa 27.

Aniya, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang testing sa lahat ng empleyado ng DOLE, maging ang contact tracing.


Nagpapatuloy rin aniya ang disinfection sa kanilang opisina upang maiwasan ang posible pang pagkalat ng virus.

Sinabi pa ni Asec. Tutay na umiiral ang 30-percent on-site work capacity habang ang iba nilang kawani ay naka-work-from-home arrangement.

Facebook Comments