29 na hinihinlang miyembro ng Abu Sayyaf Group, naaresto ng Joint Task Force Sulu at Sulu PNP

Sulu – Dalawangput siyam na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang naaresto ng mga tauhan ng Joint Task Force Sulu at Sulu PNP.

Sa text message na ipinadala ni Col. Cirilito Sobejana ang ground commander ng JTF SULU sa DZXL RMN Manila, sinasabing alas 5:30 ng umaga kahapon (June 20) nang madakip ng mga awtoridad ang mga hinihinalang terorista.

Naaresto ang mga ito sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.


Apat sa mga ito ay kinilalang positibong sangkot sa pagdukot sa kidnap victim na si Denery Tan noong June 16, 2017.

Responsable rin sa pangongotong at pagpatay sa isang Lydia Julkanajn noong May 30, 2017.

Sa ngayon ay inihahanda na ng Sulu PNP ang mga kasong isasampa laban sa mga naaresto.

Facebook Comments