Mga sibilyan na na-trap sa bakbakan sa pagitan ng miyembro ng BIFF kontra sa tropa ng militar, nailigtas na

North Cotabato – Nailigtas na ng tropa ng pamahalaan ang mga sibilyan na-trap sa naganap na gulo sa pagitan ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at tropa ng militar sa Malagakit Pigcawayan, North Cotabato.

Sa spot report na ipinadala ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos alas-6:30 ng gabi kanina nang matagumpay na na-rescue ng mga sundalo at pulisya ang tatlumpung (30) sibilyan.

Matatandaang mga-alas 6:00 ng umaga kanina nang atakihin ng nasa 300 miyembro ng BIFF ang Barangay Peacekeeping Action Team Outpost sa Malagakit Simsiman at Cafgu Detachment sa Brgy. Simsiman sa Pigcawayan, North Cotabato.


Dahil dito, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng tropa ng sundalo at BIFF dahilan para ma-trap ang mga nailigtas na sibilyan.

Sa ngayon, patuloy ang pursuit operation ng militar sa mga nakasagupang mga bandido.

Facebook Comments