Nag-turn-over ng 29 loose firearms at 5 eksplosibo ang lokal na pamahalaan ng Isulan sa 1st Mechanized Infantry Brigade sa pamumuno ni Brigade Commander Colonel Efren P. Baluyot sa pamamagitan ng 2nd Mechanized Infantry Battalion.
Ginanap ang turn-over ceremony kahapon sa Isulan municipal gymnasium na pinangunahan ni Isulan Mayor Marites Pallasigue.
Ang mga isinukong armas at pampasabog ay mula sa 17 barangay ng Isulan.
Kinabibilangan ito ng dalawang M79 grenade launchers, 16 na 12-gauge shotguns, Ingram, limang calibre 38 revolvers, forty lite modified pistol, dalawang calibre 45 pistols, modified 7.62mm rifle, rocket propelled grenade, hand grenade, rifle grenade at tatlong 40mm grenades.
Ayon kay 2nd Mechanized Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Alvin G. Iyog, ang pag-turn-over ng naturang mga armas at eksplosibo ay bahagi ng kanilang walang kapagurang pagsisikap sa kampanya kontra loose firearms.
6th ID Pic
29 na loose firearms mula Isulan isinuko sa militar
Facebook Comments