29 Patay, 1 Nawawala, Naitala sa Hagupit ng Bagyong Ulysses sa Region 2

Cauayan City, Isabela- Umakyat sa bilang na 29 ang naitalang namatay sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa Lambak ng Cagayan habang isa (1) ang nawawala.

Sa ibinahaging impormasyon ni PLt/Col Andree Abella, PCR Head ng PRO2, as of 1:00 ng umaga ngayong araw, November 17, 2020, beberipikahin pa ng kapulisan ang naitalang bilang matapos ang 24 na huling naitalang kumpirmado.

Batay sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 2, labing tatlo (13) ang naitalang namatay sa Cagayan kung saan apat ang natabunan ng gumuhong lupa, anim (6) ang nalunod at tatlo (3) ang nakuryente habang tatlo (3) ang sugatan.


Lima (5) naman ang naitalang namatay sa Isabela dahil sa pagkalunod, sampu (10) sa Nueva Vizcaya dahil sa landslide.

Nakapagtala rin ng isang (1) casualty ang probinsya ng Quirino dahil rin sa pagkalunod habang isa (1) ang nawawala.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang Search, Rescue and Retrieval operations ng mga pinagsanib na pwersa ng AFP, PNP, Phillipine Coast Guard, at iba pang National Government Agencies sa mga lugar na apektado ng malawakang pagbaha sa Cagayan.

Facebook Comments