Isinailalim sa mandatory rapid testing ang 294 na mga empleyado ng Department of National Defense (DND) nitong July 13, 2020.
Isinagawa ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Pero bago ito, una nang isinaillaim sa rapid testing ang 83 na mga empleyado ng DND.
Ilan sa mga nagrapid test ang nagpositibo kaya isinailalim sa lockdown ngayon hanggang bukas ang main building ng DND sa Camp Aguinaldo para sa disinfection ng gusali.
Sa Biyernes, July 17, balik na sa operasyon ang mga tanggapan sa DND main building.
Una nang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na negatibo siya sa COVID-19 swab test.
Nagpa-swab test ang kalihim matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kanyang isa sa mga staff officer.
Facebook Comments