295 Bagong Police Officers ng PRO 2, Sumailalim sa BISOC Training!

47

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Nagsimula na ngayong araw ang Basic Internal Security Operations o BISOC ng 295 na mga bagong kapulisan ng Police Regional Office 2.

Sa naging mensahe ni Deputy Regional Director for Administration Police Senior Superintendent Petrnonelli M. Baldebrin na seryosohin at ilagay ang lahat ng kanilang kakayahan upang mapahusay ang bawat pagsasanay.

Sinabi pa ni PS Baldebrin na maging malakas at huwag hayaan na matalo ng kanilang mga sarili sa mga negatibo kundi huwag sumuko at bigyan ng dedikasyon ang kanilang mga gagawin.

Samantala ang anim napung araw na kurso o training ay pangungunahan ng Regional Special Training Unit 2 kung saan kapapalooban ito ng Tactics, Techniques and Procedures o TTPs.

Ang BISOC trainees ay magkakaroon din ng sampung araw na Field Training Exercises sa 5th ID, PA, Camp Melchor F. Dela Cruz ng Barangay Upi, Gamu, Isabela.

Facebook Comments