Senior Citizen, Top Most Wanted Dahil sa Kasong 23 Counts of Rape!

81

Cauayan City, Isabela – Tinaguriang top most wanted sa city level ang isang anim naput isang taong gulang na lalaki dahil sa bente tres na beses na panggagahasa sa isang onse anyos na biktima sa Damatan Street, District 3, Cauayan City.

Matagumpay na naaresto kahapon sa oras na ala sais trenta ng hapon si Villamor Taguiam Butac, may asawa, Karpentero at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Senior Inspector Jane Abigail Bautista, Admin Officer ng City Police Station, na ang pagkakahuli kay Butac ay sa unang bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Honorable Judge Ariel M. Palce ng RTC Branch 40 ng Cauayan City sa kasong 3 counts of rape at one time Act of Laciviousness na walang nairekomendang bail bond.

Sinabi pa ni PSI Bautista na maliban sa 3 counts na kasong panggagahasa ay may karagdagan pa si Butac na bente na statutory rape kung saan batay sa batas na panggagahasa na kahit pumayag ang biktima ay masasabing panggagahasa ito dahil sa menor de edad ang biktima, at naisampa narin ang iba pang kaso ni Butac na naganap pa noong taong mil dos disi sais.

Samantala inaasahan na bibigyan ng pagkilala ang ilang kapulisan ng City Police Station dahil sa matagumpay na pagkakahuli sa nasabing top most wanted person sa city level.

Facebook Comments