DOE, nagpaalala na sundin ang umiiral na price freeze sa LPG sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

Muling nagpaalala ngayon ang Department of Energy o DOE sa mga retailers ng household liquefied petroleum gas o LPG na sundin ang price freeze sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Kung maalala, ilang lugar na sa bansa ang isinailalim sa state of calamity dahil sa naturang phenomenon.

Ayon sa DOE, puwedeng magpatupad ng price rollback sa LPG sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity pero hindi puwedeng magpatupad ng price hike.


Umabot na kasi sa 24 local government units (LGUs) sa Western Visayas ang isinailalim na rito.

Kabilang na rito ang 18 bayan sa Antique, dalawa sa Iloilo at Guimaras province maging sa Negros Occidental at Negros Oriental.

Ang prize freeze ay epektibo sa buong lalawigan ng Antique hanggang May 2, habang hanggang Abril 29 iiral ang price freeze sa Estancia, Iloilo, Sultan Kudarat, Bayan ng Araca at Suralla sa South Cotabato at Abril 26 sa bayan ng Sara Cotabato.

Ang naturang prize freeze ay umiiral ng 15 araw matapos ideklara ang state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Facebook Comments