ECOP, kumpiyansa na humuhupa na ang global inflation at makakabawi ang ekonomiya dahil sa mga reporma ng administrasyong Marcos

Kumpiyansa ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na makapagtatala ng mataas na paglago ng ekonomiya ang bansa ngayong taon dahil sa mga reporma na ipinatutupad ng Marcos administration.

Sa Pandesal Forum, sinabi ni ECOP Chairman Sergio Ortiz-Luis na positibo siya na bibilis ang andar ng ekonomiya kung tuloy-tuloy na tatapusin ang mga Build, Build, Build infrastructures development.

Magbibigay rin ng malaking kumpiyansa sa sektor ng negosyo ang muling pagbubukas ng face-to-face classes.


Positibo rin aniya ang ipinakikitang malakas na Overseas Filipino Worker (OFW) remittances at ang pagpapalakas sa agriculture development.

Sa ngayon aniya ay mahusay ang fiscal at monetary policies ng bansa.

Umaasa ang ECOP na huhupa na rin ang global inflation at muling tatatag ang sitwasyong pang-ekonomiya.

Facebook Comments