Isang Filipino-American ang itinilaga ni US President Joe Biden bilang Acting Administrator ng charity organization na United States Agency for International Development (USAID).
Ito ay sa katauhan ni Gloria Steele na labing walong taon nang nanunungkulan bilang senior executive service ng Amerika.
Ayon sa USAID, itinalaga si Steele matapos ang inagurasyon ni Biden noong January 20, 2021.
Ang USAID ay isang organisasyon na nagbibigay ng humanitarian efforts at foreign assistance sa mga bansang nangangailanan ng tulong.
Samantala, ikinatuwa naman ng alma mater ni Steele dito sa Pilipinas na College of The Holy Spirit Manila ang pagkakatalaga rito.
Facebook Comments