Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) First Division ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nakasaad sa inilabas na desisyon ng COMELEC na “lack of merit” ang dahilan ng pagbasura sa petisyong inihain ng Pudno Nga Ilokano kaugnay ng tax evasion conviction ni Marcos noong 1995.
Ang nasabing ruling ay pirmado nina COMELEC Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino at Aimee Torrefranca-Neri.
Nito lamang Pebrero, una nang ibinasura ng COMELEC ang tatlong consolidated petitions laban kay Marcos na inihain ng ilang martial law survivors na sina Bonifacio Ilagan, Abubakar Mangelen at ng grupong Akbayan.
Dati na ring ibinasura ng COMELEC Second Division ang petisyon na nagpapakansela sa certificate of candidacy (COC) ni Marcos.