Pagde-deploy ng mga balotang gagamitin sa May 9 polls, sinimulan na

85

Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagde-deploy ng mga balotang gagamitin sa May 9 national at local elections.

Sa abiso ng COMELEC, dadalhin ang mga balota sa opisina ng mga city o municipal treasurer sa buong bansa mula sa warehouse nito sa Pasig.

Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, target nilang matapos ang pagde-deploy ng mga balota sa Mayo 5.


Tiniyak din nito sa publiko na nakalatag ang security measures para protektahan ang mga balota habang ibinabayahe sa kanilang destinasyon.

Facebook Comments