Ilang international na political organizaton, kinondena ang panghihimasok ng China sa Pilipinas

Kinondena ng international political organizations na Watchdog at Think Tank ang patuloy na panghihimasok ng China sa Pilipinas.

Ito ay matapos ibunyag ang tangkang surveillance ng China sa Pilipinas noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng national broadband network na ZTE Corporation na mula sa China.

Lumabas din ang milyon-milyong dolyar na suhol na kinasangkutan nila dating First Gentleman Mike Arroyo, dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos at dating National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Romulo Neri.


Samantala, binigyang diin naman ni Pinoy Aksyon for Governance and the Environment President Bency Ellorin na hindi lang graft and corruption ang isyu kundi kasama na rin ang seguridad ng bansa.

Facebook Comments