2K families apektado sa enkwentro ng dalawang Kumander sa DAS

Tensyonado ngayon ang liblib na bahagi ng Datu Abdullah Sangki matapos magkasagupa ang dalawang armadong grupo .
Sa report mula sa mga otoridad naitala ang engkwentro sa Sitio Kalandagan, Brgy Kaya-Kaya at Old Maganoy Area sa pagitan nina BAGS, kontra sa tropa ni DATU KOB, at sinasabing nakisali na rin ang grupo ng BIFF.
Sa imbestigasyon awayan sa lupa ang ugat dahilan ng bangayan ng dalawang grupo na nagmumula sa isang Base Command.
Matatandaang sumiklab ang insidente dahil sa usaping may kinalaman ang Delinanas Banana Plantation.
Inaalam pa rin kung mga mga casualty sa kagululuhan habang apektado ngayon ang 2 libong pamilya mula sa 2 Baranggay ng bayan.
Sinisiguro naman ng LGU DAS na ligtas ang lahat ng mga naperwisyong pamilya sa panayam ng DXMY kay DAS Admin Odjie Balayman.

Photo for Illustration only ( GOOGLE)

Facebook Comments