2nd Batch ng CBRP sa Mallig, Isabela, Tinututukan!

Mallig, Isabela- Puspusan ngayon ang ginagawang pagtutok ng PNP Mallig sa 2 nd batch ng mga tokhang responders na sumasailalim sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP)

Ito ang impormasyong inihayag ni Police Senior Inspector Loreto Infante, ang hepe ng PNP Mallig sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.

Sa naging talakayan ay sinabi ni PSI Infante na mayroon umaong kabuuang bilang na 194 tokhang responders sa kanilang bayan at 125 dito ay nakatapos na ng CBRP habang ang 56 dito ay kasalukuyan na nilang tinututukan ngayon at nagsimula ng sumailalim sa CBRP mula noong Hunyo pa.


Dagdag pa rito ay sinabi rin ni PSI Infante na ang 13 umano na natitira ay kinabibilangan na ng mga nangibang bansa, mga nakakulong at mga patay na.

Samantala, nilinaw din ni PSI Infante na hindi din umano sila tumitigil upang imonitor ang mga nauna ng batch ng CBRP para masiguro na wala ng babalik pa sa mga ito at dagdag pa niya ay kasalukuyan na din umano ang ginagawa nilang pakikipag ugnayan sa mga bagong miyembro ng BADAC lalo na sa mga barangay na may mga bagong opisyal.

Sa ngayon ay puspusan naman ang kanilang pagtutok sa kanilang kampanya kontra iligal na droga habang matatandaan na kamakaylan ay maroon silang nahuling dalawang katao sa paggamit ng marijuana sa buwan ng Hunyo 2 at Agosto 8 nitong taon.

Facebook Comments