Ipinagmalaki ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter na bukod tangi ang kanilang Blood Summit sa buong bansa kung saan ay mayroong local chapter ang PRC. Ngayong araw nga ay ginanap ang ikalawang taon ng nasabing summit kung saan ay pinasinayaan ni Atty. Oscar P. Palabyab, PRC Secretary General bilang panauhing pandangal ng nasabing okasyon na dinaluhan din ng mga iba’t ibang government and non-government organizations sa buong lalawigan.
Malugod na ibinalita ng pamunuan ng PRC Pangasinan na nalampasan ng chapter ang total pledges ng blood units mula sa 1st Blood Summit kung saan ay nakakoleta sila noong nakaraang taon ng 11,280 blood units. Ibinahagi rin ng PRC sa pamamagitan ng kanilang Chairperson on National Blood Services Committee na si Hon. Maybelyn DC Fernandez na natugunan ng Pangasinan Chapter ang 92% blood requests na natanggap ng kanilang opisina mula narin sa pagtutulungan ng PRC at iba’t ibang government and NGOs offices sa pamamagitan ng mga blood service activities na isinagawa sa lalawigan. Nasa 931 indigent clients ang nakinabang noong 2016 mula sa kanilang Samaritan Program na mayroong 1,596 random blood units na may kabuuang Php 2,365,775 waived blood processing cost.
Sa kabila ng overwhelming support mula sa iba’t ibang institusyon hinikayat ni Atty. Palabyab ang mga Blood Donation Partners ng PRC Pangasinan na mas paigtingin ang kampanya sa paghikayat ng mga blood donors mula sa kanikanilang kinabibilangang institusyon na aktibong makilahok sa mga blood donation drive upang matugunan parin ang malaking kakulangan ng dugo sa buong bansa. Bilang tugon nakiisa ang iba’t ibang organisasyon sa buong lalawigan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement signing bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa nasabing adhikain ng PRC.
The 2nd Blood Summit with the theme this year “What can you do?” and slogan of “Give Blood, Give Now, Give Often” is being conducted annually by Philippine Red Cross Pangasinan Chapter to share their blood services report with their active blood donation partners.
Tag: iFM Dagupan, Philippine Red Cross, Pangasinan, Blood Donation, Summit, Partnership