CCTV footage sa lugar na pinangyarihan ng pag-ambush sa konsehal ng Pasay City, nire-review

1412

Pasay City – Nirereview na ng Pasay City Police ang kuha ng CCTV cameras sa lugar na pinangyarihan ng pananambang sa konsehal ng Pasay City.

Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt Tomas Apolinario, sinisilip na rin ng mga otoridad ang lahat ng motibo sa pag-ambush kay Councilor Borbie Rivera.

Partikular na ina-alam ng pulisya ang mga naging kaaway ng konsehal at kung may banta sa buhay nito.


Sa naturang insidente, nasugatan din ang bodyguard ni Rivera na si Alex Dominguez.

Facebook Comments