2nd booster dose sa mga indibidwal na wala namang matinding sakit, hindi pa kailangan sa ngayon sa isang eksperto

Naniniwala si Dr. Edsel Salvaña, isang Infectious Diseases Expert na hindi pa kailangang bigyan ng 2nd booster dose ang mga indibidwal na hindi naman immunocompromised.

Tugon ito ni Salvaña sa mga mungkahing bigyan na rin ng 2nd booster shot ang economic frontliners.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Salvaña na base sa ebidensiya ay epektibo naman sa mga taong walang sakit ang kahit first booster dose ng bakuna.


Sa katunayan, mas marami aniya ang benepisyo ng unang booster dose kaysa sa ikalawang booster dose.

Ipinakikita aniya ng mga ebidensiya na mas kailangan ng 2nd booster dose ng mga nakatatanda 60 taong gulang pataas at may mga comorbidites.

Facebook Comments