Nagbigay ng rekomendasyon ang isang Vaccine Expert Panel para mabigyan na rin ng ikalawang booster shot ang iba pang sector ng populasyon.
Sinabi ni Dr. Nina Gloriani, inirekomenda nilang mabigyan ng ikalawang booster shot ang mga indibidwal 60 pababa ang edad at ang mga may comorbidity.
ibig sabihin aniya, hindi lamang ang mga immune-compromised individual ang pwede nang makatanggap ng 2nd booster shot.
Para sa ibang sektor na medyo nakababata ang edad at wala namang karamdaman, lumalabas sa data na hindi pa masyadong mataas ang naibibigay na advantage o benepisyo sa kanila ng 2nd booster shot.
Kaya naman, hindi pa aniya sila kasama sa ngayon sa mga sektor na uunahing mabigyan ng 2nd booster shot.
Facebook Comments