Philippine Embassy sa Israel, sinimulan na ang mabilisang pagproseso sa dokumento ng mga Pinoy roon

Sinimulan na ng Philippine Embassy sa Israel ang mabilis na pagproseso ng dokumento ng mga Pilipino doon.

Kasunod na rin ito ng anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na pabilisin ang pagproseso ng employment papers ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Mula sa dating maghapon na transaksyon, limang minuto na lamang ang pagkuha ng pre-registered Overseas Employment Certificate sa Philippine Embassy sa Israel.


Patuloy din ang pag-iikot ng embahada sa Filipino community sa iba’t ibang lugar sa Israel para ilapit ang kanilang serbisyo sa mga Pinoy roon.

Sa ganitong paraan, maiiwasan din ang pagsisiksikan sa Philippine Embassy sa pagdagsa ng mga may transaksyon sa embahada.

Facebook Comments