2nd CHANCE | CJ Ramos – binigyan ng trabaho ni Coco Martin

Manila, Philippines – Matapos maaresto dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs, balik-showbiz ang dating child star na si CJ Ramos.

Kinumpirma mismo ito ni CJ sa kanyang instagram post kung saan makikita ang larawan niya kasama si Coco Martin.

Ginamitan niya ito ng mga #secondchance, #thankful, #salamatbosscoco.


Ibig sabihin, indikasyon ito na mapapanood si CJ sa TV series na pinagbibidahan at dini-direk mismo ni Coco.

Matatandaang inamin ni CJ na natukso siyang gumamit ng shabu matapos na mawalan ng career sa showbiz.

Facebook Comments