IAANUNSIYO | Mga pangalan ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, papangalanan sa mga susunod na briefing sa Malacañang

Manila, Philippines – Iaanunsiyo sa mga Press briefing sa MalacaƱang ang mga pangalan ng mga opisyal ng Pamahalaan na sangkot sa katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, roll call ang mangyayari o paraan ng pagpapaalam sa publiko ng mga opisyal ng Pamahalaan na nahuling gumagawa ng iligal.

Paliwanag ni Roque, maraming opisyal ng Pamahalaan ang nakapilang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi pa maidetalye kung sino-sino at kung anong uri ng katiwalian ang ginawa ng mga ito sa Pamahalaan.


Matatandaan na naghayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte sa patuloy na katiwalian sa Pamahalaan kung saan sinabi pa nito na gusto na niyang magbitiw dahil sa hindi maubos-ubos na problema.

Facebook Comments