2nd Grand Summit ng mga Sultan isasagawa sa Davao City, Pangulong Duterte pangunahing bisita

Cotabato, Philippines – Isasagawa ngayong araw ng linggo May 21 ang 2nd Grand Summit of the Confederation of the Royal Sultanates of Mindanao (CRSM).

Inaasahang magiging pangunahing bisita si Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban kay Presidente Duterte ay inaasahan rin ang presensya ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, AFP Chief of Staff General Eduardo Ano, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Opapp Secretary Atty. Jess Dureza.


Pangunahing layunin ng summit ay upang ipakita ang buong suporta ng CRSM sa mga kampanya at adbokasiya ng pangulo.

Ang sultan ang pinakapangyarihang pinuno ng isang komunidad noon panahon na magpahanggang sa ngayon ay kinikilala pa rin sa ilang lugar lalo na sa lugar ng mga bangsamoro.
DZXL558, Amir Sinsuat

Facebook Comments