2nd Infantry Division ng Philippine Army, naka-imbento ng portable wash station panlaban sa COVID-19

Naka-imbento ng portable hand washing station ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army kontra sa COVID-19.

Ayon kay 2ID Commander Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr, ang mga portable wash station na gawa sa recycled drums ay ikinalat na nila sa iba’t-ibang Quarantine Control Points sa lalawigan ng Rizal.

Ang mga portable wash station ay may mekanismo para “hands free” ang pag-operate nito at hindi na kinakailangang hawakan ang gripo.


Sinabi ni Burgos na plano nilang gumawa pa ng mas maraming portable wash station para magkaroon ng isa ang bawat Quarantine Control Point sa kanilang area of responsibility.

Hindi lamang aniya ito makakatulong sa pag-disinfect ng kamay ng mga sundalo at sibilyan laban sa COVID-19, kundi natuturuan din ang publiko ng tamang “hygiene”.

Handa, aniya, ang militar na ibahagi ang kanilang teknolohiya sa sinumang interesado para magamit din sa ibang mga lugar ang mga portable wash stations.

Facebook Comments