2nd missile frigate ng Philippine Navy na BRP Antonio Luna, darating na sa bansa sa susunod na taon

Posibleng Enero o Pebrero sa susunod na taon dumating na sa bansa ang pangalawang missile frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF151).

Ang BRP Antonio Luna na ginawa ng Hyundai Heavy Industries ng South Korea, ang sister ship ng BRP Jose Rizal (FF150), na kababalik lang sa bansa nitong Setyembre matapos ang matagumpay niyang unang misyon na paglahok sa RIMPAC20 naval exercise sa Hawaii.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay, nakapasa na sa unang sea trials ang BRP Antonio Luna nitong September 24 hanggang September 29 sa karagatan ng South Korea.


Nakatakda sana itong i-deliver ngayong Oktubre, pero dahil sa umiiral na pandemya, mas naging prayoridad ang pagtugon sa COVID-19.

Dagdag pa ni Gapay na pagdating ng bagong barko ay inaasahang mapapalakas nito ang Anti-Air Warfare (AAW), Anti-Surface Warfare (ASUW), Anti-Submarine Warfare (ASW), at Electronic Warfare (EW) operations ng Philippine Navy.

Facebook Comments