Cauayan City, Isabela- Inilunsad ngayong araw ng Police Regional Office No. 2 ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa Camp Saturnino Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya.Ayon sa talumpati ni PBGen. Angelito Casimiro, Regional Director ng PRO2, kalakip ng pagbubukas ng nasabing mobile company ay ang bagong oportunidad at hamon kung saan kakailanganin pa rin ng bagong hukbo ng pulisya ang dagdag kaalaman at disiplina sa sarili.
“Deep In My Heart, Not Just as the Father of the Valley Cops but as a Novo Vizcayano, I am grateful because a force will look after the Peace And Order of our beloved Nueva Vizcaya by containing and addressing the threat brought by the Communist Terrorist Groups, in particular”, saad ni PBGen. Casimiro
Inihayag naman ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla ang kanyang pasasalamat sa pangrehiyong tanggapan ng pulisya sa pamumuno ni PBGen. Casimiro para sa karagdagang pwersa ng alagad ng mga batas sa lalawigan.
Nagpapasalamat naman ang bagong talagang mamumuno sa 2nd PMFC na si PMAJ. Juancho Crisostomo sa ibinigay na tiwala sa kanya para pamunuan ang nasabing grupo.
Dinaluhan ng iba pang opisyal ng PRO2 gaya ni PCol. Romaldo Bayting, Deputy Director for Operations, PRO2 Directorial Staff, Provincial Directors sa bawat lalawigan at City Director ng Santiago City Police Office maging ang ilang kinatawan ng 5th ID, PA.
Matatandaan na naalarma ang publiko dahil sa presensya ng komunistang grupo sa nakalipas na taong 2017.
Magsisilbi namang headquaranters ng kabubuong mobile force company sa Bayan ng Dupax Del Sur sa nasabing lalawigan.