Sa Agusan del Sur, Sa hangarin na makita ang kakayanan ng lokal na pamahalaan, mga rescuers at mga residente tuwing may kalamidad o kung tatama ang “the big one” o ang malakas na lindol napili ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Bayugan City, Agusan Del Sur na maging venue sa gagawing 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa taong ito ngayong Huwebes, Hunyo 20.
Puspusang paghahanda ang ginawa ngayon ng Office of the Civil Defence (OCD) Caraga, LGU’s at mga ahensya ng gobyerno para sa mangyayaring Earthquake Drill.
Ayon kay Armando Posas, Chief Operation Officer ng OCD Caraga, napili ang Bayugan City bilang national ceremonial venue dahil na-identify na may faultline dito at nagkaroon na rin ng malakas na pagyanig sa nasabing syudad noon kaya’t may posibilidad na ang sinabi ng PHIVOCLS na “the big one” na mangyari sa Maynila ay mangyari rin sa bayugan.
Layunin nito na magkaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan ang komunidad sa panahon na may pagyanig.
Inaasahan na dadalo sa gagawing nsed si Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana.