2nd Regional Coffee Business Forum, Dinaluhan ng National Coffee Industry Cluster!

City if Ilagan – Dinaluhan ni Coordinator Myrna Pablo ng National Coffee Industry Cluster at sya ring Reginal Director ng DTI- Cordillera Administrative Region ang 2nd Cagayan Valley Coffee Business Forum kahapon na ginanap sa DreamWave hotel ng City of Ilagan,Isabela.

Tinalakay dito ang papel ng kape sa industria para sa pag-unlad ng bansa kung saan kabahagi nito ang mga kaalaman tungkol sa produksyon ng kape bilang isang pwedeng gawing negosyo o itanim ng mga magsasaka sa rehiyon at mga kaalaman hinggil sa mga bagong teknolohiya para sa produksyon at kaalaman hinggil sa kape.

Magbibigay naman ang Department of Agriculture ng mga Planting materials para sa mga interesadong magsasaka subalit ito ay dipende pa rin sa lawak ng taniman.


Ang Coffee Business Forum ay dinaluhan din nina Governor Junie Pua ng Quirino at Chairperson ng Regional Development Council ng Cagayan Valley, Regional Executive director Florencio Carangyan ng Department of Agriculture Regional Office 2, Regional Director ng Department of Trade and Industry Ruben Deciano, at ni City Mayor Evelyn C. Diaz.

Samantala, ilulunsad naman ngayong araw ang Coffee Product Display sa North Star Mall ng City of Ilagan upang matunghayan ang labing isang klase ng kape mula sa ibat-ibang probinsya ng rehiyon dos.

Facebook Comments