Cauayan City, Isabela-Inamin ng Isabela Provincial Veterinary Office (PVO) na mas mdi ang pagkapit ng mikrobyo ng African Swine Fever ngayong nagkaroon ng 2nd wave outbeak ng nasabing sakit sa lalawigan.
Kasabay ito ng paggamit ng blow torch sa mga babuyan sa Isabela na tinamaan ng ASF na bahagi ngayon ng pagpuksa sa mikrobyo maliban sa disinfection na ginagawa noon.
Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui, masyado ng apektado ang populasyon ng mga baboy sa Isabela kaya kailangan itong gawin para mapaaga ang panahon na paghihintay at muling makapag-alaga ng baboy ang mga hog raisers.
Inamin naman ni Dr. Naui na kakaiba ang 2nd wave ng outbreak ng ASF sa lalawigan dahil mabilis itong kumalat hindi gaya noong una na madali lamang nilang nakontrol.
Samantala, nakiisa ang 5th Infantry ‘Star’ Division Philippine Army sa ginagawang paglaban ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa lumalalang banta ng African Swine Fever (ASF) sa probinsya.
Matatandaang mas marami pa rin ang naitalang bilang sa lalawigan ng Isabela kumpara sa ibang probinsya sa rehiyon partikular sa mga bayan ng Reina Mercedes, Luna, Cabatuan, Roxas Aurora at Quezon at sa lungsod ng Cauayan kung saan mahigit 1,000 baboy ang na-cull.