2nd year journalism student, huli sa buy-bust operation

Cavite – Arestado ang isang second year journalism student matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Cavite Provincial Intelligence Branch sa DasmariƱas City, Cavite.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Mark Jayson, estudyante ng Cavite State University sa Indang, Cavite Campus.

Nakumpiska kay Jayson ang isang brick ng marijuana na nagkakahalaga ng P12,000.


Iginiit naman ng suspek na hindi totoo ang paratang sa kanya at hindi sa kanyang ang mga narekober na marijuana.

Facebook Comments