Ginang, patay matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

Tondo, Maynila – Patay ang isang ginang matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng parking area ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO) sa Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District ang biktimang si Marilou Villamor, 44 taong gulang, na pansamantalang nanunuluyan sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD Crime Against Persons Investigation Section (CAPIS), naganap ang insidente dakong alas-onse ng gabi nang makarinig ng putok ng baril ang helper na si Joseph Hanola, 29 anyos.


Ayon kay Hanola, nakarinig siya ng putok ng baril, at nagulantang na lang umano siya nang makitang duguan ang biktima at tuluyan ng binawian ng buhay.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pagpaslang kay Villamor.

Facebook Comments