Ipinatupad ang ₱40 na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR) at naisabatas din ang New New Agrarian Emancipation Act na nag-aabsweldo sa uang ng mga mahigit 600,000 mga magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Pagtiyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa Kamara ay marami pang nakalinyang panukalang batas at ang gobyerno naman ay marami pang nakalatag na mga programa na tutugon sa problema sa kahirapan.
Ayon kay Romualdez, maliit man ang ₱40 na umento sa sahod ay makatutulong din kahit papaano dahil kailangang ding bigyang konsiderasyon na marami sa mga employer ay bumabangon pa rin mula sa pandemya.
Sa hanay naman ng mga magsasaka, binanggit ni Romualdez na malaking bagay na ang pambayad nila noon sa utang para sa lupang kanilang sinasaka ay maidadagdag na sa pangangailangan ng pamilya.
Binanggit naman ni Romualdez na kabilang sa mga programang nailunsad na ng pamahalaan bilang tugon sa kahirapan ay ang pagtatayon ng mga Kadiwa Stores sa iba’t ibang panig ng bansa, low-cost housing ng Department of Human Settlements at ang patuloy na pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap.