Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na lalo pang pag-iigihin ng pulisya ang pagbabantay sa mga istasyon ng MRT at LRT.
Ito ang sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya kasunod ng nangyaring pag-vandal sa isang bagon ng MRT-3 ng hindi pa nakikilang mga salarin sa Taft Avenue station.
Sabi ni Gen. Eleazar, mayroon nang mga personnel mula National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatalaga sa bawat istasyon ng MRT at LRT sa Metro Manila.
Aniya, sa pamamagitan ng koordinasyon sa private security agency na nagbabantay sa MRT ay tutulong ang PNP sa imbestigasyon at kung matukoy ang may kagagagawan ay pangungunahan ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
Facebook Comments